Ni Walden Bello*
Rappler, Oct 3, 2017
Dahil sa pagkabahala sa papalakas na oposisyon sa kanyang gobyerno, maaari itong magkamali sa pagtaya sa sitwasyon at ideklara ang batas military; mapapabagal nito ang pagdausdos sa mas malala pang krisis ngunit baka nga mas mapabilis pa, di man madalian ngunit sa di-malayong hinaharap.
Hindi dapat ipagkamali na padausdos na si Rodrigo Duterte, ngunit ang prosesong ito ay makakalikha ng isang mapanganib na panahon sa bansa, dahil maaaring ang hakbang ng presidente ay matindi tulad ng batas militar upang mapigilan ang krisis.
Ano ang nabago nitong nakaraang mga linggo? Ito ay may kaugnayan sa tinatawag nating “moral momentum,” gaya sa basketball. Ito ay isang kondisyon na hindi nakikita ngunit nararamdaman. Noong nagsimula ang administrasyon niya, may moral momentum si Duterte na naibigay ng kanyang nakuhang 40 porsyento na boto noong Mayo 9, 2016. Dahil dito nalagay siya sa opensiba nitong unang taon niya, at ito ay ginamit niya upang lapastanganin ang karapatang pantao at mga ligal na proseso sa aspeto ng gyera laban sa droga, at gawing sunud-sunuran lang ang Konggreso, habang isinantabi ang Korte Supremo, at pinatahimik, tinakot ang pamunuan ng Simbahang Katolika.
Ang momentum ding ito ang nagbigay sa kanya nang tila matibay na depensa kaya’t nagawa ng kapulisan ang mga pagpatay, tinatakan bilang di-tao ang mga drug addict, nagawang katawa-tawa lamang ang isyu ng rape, at naipakulong si Senador Leila de Lima sa pamamagitan ng inimbentong kaso ngunit sa totoo, ito’y personal na paghihiganti. Parang walang maaaring makagalaw sa kanya at ang kapangyarihang ito na ipinamalas sa mga taga-sunod niya lalo na sa social media ay nagpatapang sa marami na manakot, mandahas, magbanta sa facebook, tulad nang naranasan ng mga mamamahayag na tulad ni Raissa Robles at Maria Ressa. Ginamit din nila ang banta ng rape bilang anyo ng pananakot at pandarahas sa social media kay Senador Risa Hontiveros.
Ngunit katangian din ng moral momentum na madali itong mawala o maglaho dahil sa kombinasyon ng iba’t ibang pangyayari at elemento o salik. Maaaring malakas ito ngayon ngunit bukas ay nakalutang na uli ang sitwasyon.
Ang Pagkawala ng Moral Momentum
Maaaring pagtalunan pa kung kalian nawala ang moral momentum ni Duterte, ngunit sa pagtingin ko ang dahilan nito ay siya ring dahilan ng paghina ng kapangyarihan ng mga ambisyosong awtoritaryan sa kasaysayan: ang pagmamalabis. Ang pagtingin na walang hangganan ang maaaring gawin ng isang nasa kapangyarihan na nakita sa mga pangyayari nitong Agosto at Setyembre ang simula nang pagbagsak ni Duterte.
Nariyan ang balitang 81 katao ang pinatay sa loob lamang ng apat na araw ng operasyon ng mga pulis noong kalagitnaan ng Agosto, sinundan nang nakababahala pang pagkamatay ng mga kabataang sina Kian delos Santos, Reynaldo de Guzman, at Carl Angelo Arnaiz; at ang pagdukot at pagpatay kay Kian ay natala sa CCTV. Ang pagkagulat ay naging pagkagalit, kahit na sa hanay ng mga taga-suporta ni Duterte; ang kasiyahan ay naging pagkalito, at nakita ito sa malaking pagbaba ng bilang ng mga facebook posts na nagtatanggol sa rehimen.
Sinundan ito ng eskandalo tungkol sa shabu na nagkakahalagang P6.4 bilyon na kinasangkutan ng anak ni Duterte na si Paolo; tahimik ang presidente tungkol sa isyung ito. Pagkatapos nito ay binigyan ng Konggreso ng P1000 badyet ang Komisyon sa Karapatang Pantano para sa taong 2018, at kamakailan, binantaan ni Duterte na papaimbestigahan ang opisina ng Ombudsman bilang ganti sa desisyon nitong imbestigahan ang yaman ng presidente.
Kung dati’y paghanga ang nakukuha ng presidente, ang ipinakita ng mga pangyayaring ito ay ang paggamit ng kapangyarihan ng presidente, ang kanyang pagtingin na siya ay di sakop ng batas, at maaarin gawin lahat ng gusto. Nabawasan ang mga pumapalakpak, at ang natira ay ang mga die-hard na lang na natutuwa sa kanyang mga drama, tulad nang paghamon kay SC Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales na magbitiw sa puwesto kasabay niya.
Kakaunti ang ‘Sundalo’ sa Larangan
Matalas na pulitiko si Duterte kaya’t hindi maaaring hindi siya nag-aalala sa mga mobilisasyon noong Setyembre 21; sa katunayan, upang mapahina ang magiging epekto nito, idineklara niya itong “araw ng protesta”. Hindi lamang ang libu-libong kataong pumuno sa Mendiola, Luneta at lugar ng Komisyon sa Karapatang Pantao ang nakabahala kay Duterte, kundi ang maliit na bilang na namobilisa sa rali mula sa hanay ng kanyang mga taga-suporta sa kabila nang ibinuhos na pera rito. Marami sa kanila ang mga empleyado ng gobyerno na mula sa Caloocan at San Jose del Monte, na dinala pa ng mga bus mula sa kanilang mga lugar.
Ayon sa mga surbey, nananatiling popular si Duterte, ngunit hindi ibig sabihin na gusto pa rin ng mga taong ibigay ang kanilang katapatan sa kanya, mas lalo pang hindi na handa ang mga taong ipagtanggol siya. Maaaring matapang at palaban ang kanyang mga taga-suporta sa facebook, ngunit hindi sila mga aktibista ng lansangan. Mga cyberwarriors ito, at nakakapagtago sa fasebook, ngunit hini alam ang isisigaw at gagawin sa mga rali.
Ayon kay Dr. Herbert Docena ng Unibersidad ng Pilipinas, may implikasyon ang di-pagiging aktibista ng mga taga-suporta ni Duterte: “Ano ang sinasabi nito sa atin? Kung ihahambing sa kanyang mga idolo (Mussolini at Hitler), mahinang klaseng manggagaya lamang si Duterte. Pumopostura siyang pasista, ngunit hindi naman kayang maging mahusay na pasista. Positibo ito para sa malalalimang pag-oorganisa. Ipinakita kahapon ng rali hindi lang kung gaano kalakas ang pagtutol at maaari pang lumakas, nakita rin kung gaano kahina si Duterte at humihina ang suporta sa kanya. Umaasa ang kanyang rehimen sa pwersa o pamimilit at hindi sa aktibong suporta ng mga tao; magaling siyang magpapatay ngunit hindi ang magbigay ng inspirasyon para mapakilos ang mga tao’t ipagtanggolg siya. Hindi na ito kwestiyon ng kung babagsak ba ang kanyang rehimen, kundi kalian—at ano ang papalit.”
Nagigising si Duterte sa katotohanang hindi permanente ang popularidad, at kung walang base sa mga masa, maaari niyang haraping ang mga kilusang tulad ng mga naging protesta sa EDSA at nagpabagsak sa ibang predisente. Itinutulak ni Kalihim ng Cabinet, Jun Evasco, ang Kilusang Pagbabago, isang pormasyon ng mga masa na may katangiang pasista, ngunit maliit ang nakuhang suporta ng inisyatiba sa Presidente, pati sa aspetong pondo, at ang mga alyadong pulitiko tulad ng pamilyang Pimentel at Speaker Pantaleon Alvarez ay nag-aalala na baka palitan ng KP ang namumunong partido, PDP-Laban. Maaaring huli na sa puntong ito ang pagpapasigla sa KP.
Batas Militar bilang Hakbangin
Sa paglakas ng pagtutol na nakita noong mga rali ng Setyembre 21, maaaring mabilisin ni Duterte ang pagdeklara sa batas military sa buong bansa upang isulong ang kanyang agenda bilang isang awtoritaryan. Kahit pa makuha niya ang suporta ng Konggreso at ng Korte Suprema, magkakaroon ng reserbasyon ang mga matataas na opisyal ng militar dahil wala silang sapat na rekurso lalo na mga tao para sa isang pambansang batas militar. Alam din ng mga heneral na ang tiyakk na paraan para magkaroon nang pagtutol sa hanay ng mga junior na sundalo ay makita na ang kanilang mga pinuno ay kakutsaba ni Duterte para gawing personal na instrument ang AFP.
Ngunit dahil sa palakas ng opisisyon, maaaring magkamali ang pagtaya ni Duterte sa sitwasyon at magdeklara nga ng batas militar upang panandaliang pabagalin ang pabulusok sa krisis, ngunit ang magiging resulta ay pagpapabilis pa nang pagbagsak niya.
Ang Pitong Representasyon ng Kasamaan
Nagbabago ang sitwasyon sa pulitika, maaaring maging mabilis ito or mas bumagal, may urong-sulong sa mga kondisyon, ngunit ang mas tiyak ay pababa ang direksyon ni Duterte.
Isang indikasyon na nagbabago ang ihip ng hangin ay ang aksyon ng pitong Senador na taga-sunod ni Duterte. Nagtataka ang ilan kung bakit galit ang pito—Sotto, Gordon, Villar, Pacquiao, Pimentel, Zubiri—nang hindi isinama ang kanilang mga pirma sa resolusyon ng Senado na kumokondena sa pagpatay ng mga menor de edad sa ilalim ng gyera sa droga ni Duterte. Bakit may “privilege speech” pa si Sotto tungkol sa isang blog kung saan tinawag siya at mga nasabing senador na mga aso ng Malacanang? Simple lang. Naamoy na nila, dahil sa pagiging oportunista, kung saan umiihip ang hangin; na nalalantad na ang kahinaan ng padron nila, at panahon na para sabihing distansya, amigo.
Huli na. Nakatatak na sa inyo ang tattoo ni Duterte, at tulad ng tattoo ng triad, di ito nabubura.#
*National Chairman ng Laban ng Masa
The original Facebook post is here https://web.facebook.com/walden.bello/posts/10155252284049332
Showing posts with label Martial Law. Show all posts
Showing posts with label Martial Law. Show all posts
Wednesday, October 4, 2017
Sunday, July 23, 2017
Duterte's Martial Law stands on weak ground
Rodrigo Duterte has reportedly extended Martial Law in Mindanao until December. That act by Congress is brazen, considering that the survey numbers on Martial Law point to its shaky foundations on the public.
• SWS reports that on a national view, 57% of Filipinos support Martial Law for the whole of Mindanao. What the SWS doesn't say is that net approval on the same is only +17. Net approval is approval minus disapproval, and disapproval for Martial Law for the whole of Mindanao is quite high at 40%.
• Filipinos approve of Martial Law only in Mindanao. They don't want Martial Law for the Visayas and Luzon.
Filipinos may approve of Martial Law to address the war in Mindanao. It's an entirely different matter outside of Mindanao, where approval for Martial Law drops down to 20% (but more on this later).
Should Duterte think of bringing ML to the national capital, he will face significant opposition. Almost seven out of 10 Filipinos disagree with Martial Law being implemented in Luzon. Note that this figure is higher than the national public approval for Martial Law in Mindanao, which is only 57%.
• In fact, the 20% public approval for Martial Law in Luzon is only a result of respondents from Mindanao pulling the averages. Without Mindanao respondents, approval for Martial Law drops down to only 13% of the population. Mindanaoans very highly approve of Martial Law for the entire country. Respondents from Mindanao are the only category of respondents with a net positive approval for Martial Law. Why is this?
Well, for one, they're the ones getting inconvenienced by the war. Another thing, let's not forget that Mindanao is a Duterte base. They love Duterte there.
• Support for Martial Law thus appears to be a product of 1) contingency; and 2) historical disconnect. Consider this: Approval for a Luzon-based Martial Law is highest among those within the 18-24 age bracket. This is the generation born after 1993.
Conversely, Martial Law is most unpopular among those who are aged 55 and above. Net disagreement with ML from this age group is highest at -54. They also register the highest disagreement at 71%. This is the group of respondents whose youngest members were born in 1962, 10 years before Marcos' Martial Law declaration in 1972.
Support for Martial Law is contingent on the war -- on the supposed need to counter the forces of "terrorism," which is how the government has framed it. Again, the highest support comes from people from Mindanao, the people most affected by the conflict.
The same groups who support for Martial Law for Mindanao -- older people, and people from Metro Manila -- are the same ones who don't want it being implemented elsewhere. For them, this is really just about the war, and nothing else.
What do the numbers tell us, then? To counter Martial Law, I think the strategic point is to show that the war is actually over, and the enemy has been subdued. To continue getting popular support for ML, Duterte will likely play up on the people's fears and say that ISIS is still a very potent force. Toward this end, he will get a lot of help from many of the country's supposed "terrorism experts" in instilling fear among the public.
A history drive is in order. The story of Martial Law needs constant retelling. We have to bring down the 26% approval for Martial Law among the youth to 0%.
Finally, we can see that at least Duterte is still following fairly predictable behavior. He imposed ML in a region he knew would support it wholeheartedly. A Rodrigo Duterte pushing for expanding the coverage of Martial Law elsewhere will be a sign to watch out for.
For now, he has committed his first mistake -- extending a military policy that no one likes outside of his own home base.

Saturday, May 27, 2017
Subscribe to:
Posts (Atom)