Saturday, July 30, 2016

REPOST: WALA PANG DAPAT IPAGDIWANG, NAPAKARAMING DAPAT GAWIN

(Ang orihinal na post ng Partido ng Manggagawa ay nandito.)

Sa totoo lang ay mas nabigyan ng kapanatagan ang mga kompanya at ang kanilang mga partner na manpower agencies/cooperatives sa inilabas na dalawang kautusan ng DOLE. Ito ang Labor Advisory 10, Series of 2016 at Department Order 162, Series of 2016.

Ang Labor Advisory 10 ay naglilinaw lamang sa depenisyon at prohibisyon ng labor only contracting (LOC) ayon sa mga elementong titinakda Labor Code. Ang aktwal na pagsasakatuparan ng mga ito ay sa gagawing deklarasyon ng DOLE regional directors sa pagiging LOC ng mga contractor/sub-contractors sa kanilang hurisdiksyon. Magsasagawa pa lamang sila ng imbentaryo, bagay na maaring nagawa na nila noon pa, bago pa nila aprubahan ang nasabing mga kontrata ayon sa pamantayang itinakda ng DO 18-A. At kung mag-iimbentaryo sila ngayon, parehong pamantayan ang gagamitin dahil wala pang bagong batas o amyenda sa DO 18.

Ang DO 162 naman ay nagsususpinde lamang sa aplikasyon ng mga bagong contractor at sub-contractor habang ang mga existing contracts "shall be respected" and "shall not be impaired". Ibig sabihin, tuloy ang mga dating kontrata, maliban lamang kung ito ay irevoke ng Secretary of Labor o ng kanyang duly-authorized representative. Ang praktikal na bunga nito ay kung may ikakansela nga bang existing contracts ang DOLE na klarong programa na kontraktwalisasyon ng mga kompanya.
Isang malaking kaso dito ay ang PAL. Nariyan din ang matagal nang sistema sa mga mall, EPZA, at marami pang iba.

Kaya tuloy-tuloy na pagbabantay at pakikibaka ang kailangan ng manggagawa dahil ang mga kapitalista ay kasabay nating nagtutulak ng proteksyon sa sariling interes.

At dito ay nauna na nga sila sa atin. Sulong-sugod pa mga kapatid!



 

No comments:

Post a Comment